Una sa Balita

Moira nakipagtalakan sa nanlait sa mukha niya

By
0 854

Nag-post si Moira Dela Torre ng baby picture ng future husband niyang si Jason Marvin. “Only 10 days away from marrying my best friend!!! #AngTagpuan2019” ang caption niya.

Marami ang kinilig, tulad nina JM de Guzman at Mica Javier. ‘Pag kasalan talaga, isang malaking kaganapan lalo na at may alay pa si Moira na awit sa kanyang mapapangasawa, ang “Tagpuan.”

Pero, nandiyan pa rin ang mga basher, at binasag ang moment ni Moira sa Instagram.

“Pag kinasal kana, wag kang mag-pony tale kasi baka madismaya sayo groom mo, sa sobrang lapad ng feslak mo hahahaha opxxx!” komento ng basher na si @moirarachelle.

Pero panis ang fan dahil palaban na nag-reply si Moira na, “Hindi kita iba-block. Para pag nagtali ako ng buhok, at hindi siya nadismaya, makita mo na may nagmamahal na hindi nakadepende sa kung gano kakapayat o kataba o kung ano man ayos ng buhok mo 🙂 sana po, ngayong bagong taon, maranasan mo yung nararanasan ko ngayon. yung Love na hindi kasing babaw ng pagmamahal na alam mo. Happy New Year!”

Napabilib naman si Inigo Pascual sa paresponde ni Moira sa kanyang basher. Labis din na natuwa ang mga fan sa classy pa rin daw na pagsagot ni Moira sa naturang basher.

Ang ilan naman ay hindi pa rin tinigilan ang basher na pumuna sa mukha ni Moira at tinadtad pa rin ng hate comments. Pinuna pa nga ng ilang fan ang spelling ng “ponytail” na inispell as “pony tale.” Talagang pinagtawanan ng mga fan ang basher na pumuna kay Moira.

“Very well said,” ‘ika ng mga fan sa Instagram. Umabot pa nga sa iba’t ibang social media platform ang nangyaring pagsagot ni Moira.

Sa Facebook ay umabot pa ng 18.7K likes at 42.9K shares ang ­naturang post.

Hinala naman ng ibang fan na ang buma-bash kay Moira ay isang Marcos fan dahil maaalala na may nangyari dating insidente na si Moira ay nag-perform sa harap ng Marcos fan pero nagsalita si Moira nang salungat sa mga Marcos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy