Una sa Balita

Moira nag-inarte, feeling sikat sa ‘Philippine Idol’

0 1,682

Hindi ka si Regine, noh!ambetabol-ambet-nabus

Ay ano itong tsismis na nasagap namin na diumano’y feeling “somebody” na nga raw itong si Moira something na singer na isa nga sa judge ng Philippine Idol na soon ay mapapanood na sa ABS-CBN?

Ayon sa mga ka-Chismackers namin,­ may mga demand itong lume-level kina Regine Velasquez, at James Reid, mga kapwa niya judge sa naturang show.

May mga on-going audition na nga raw ang show at sa mga instances­ na ito ay agad na nagpaparamdam si Moira na kung ano daw ang “special” treatment na ibinibi­gay kina Regine at James, dapat ay ganun din sa kanya gaya ng pagkakaroon ng exclusive hair and makeup team, ng sariling aircon at mabangong (take note daw sa mabango dahil may ugali daw itong dapat ay amoy air freshener pagpasok niya ang room) holding area na dapat ay may exclusive ding rest room.

Sa dinami-dami ng nagkukuwestyon (including us) sa credential ng singer-composer na umupong hurado para sa isang singing contest, na franchise ng kinikila­lang biggest singing search sa USA, kung hindi man sa buong mundo, ang mag-inarteng “big singing icon” ay tila wala sa lugar noh!
Kalurkey!

***
Derek dedma sa panlalait ng mga basher

Well dahil kaibigan namin at sanay na kaming makita ang hubad na hunk body (hindi naman totally naked hahaha!) ni Papa Derek Ramsay, hindi big deal sa amin ang recent post niya sa social media account niya.

Pero dahil lagi na lang mas madaming gustong maging nega at naghahanap ng maba-bash ang netizen, si Papa D nga ang latest victim nila.

Sari-saring mga hanash, mga personal na banat na kumukuwestyun sa estado ng magaling na aktor, hanggang pati ang kanyang edad etc… ay hindi pinalampas ng netizen.

But knowing­ the very rational at intelligent Papa D, palilipasin niya ang mga ito dahil kumpara sa ibang mas mapapait na pinagdaanan niya, “chicken” na lang ang mga pintas at hanash.

Parang nag-e-echo tuloy ang sigaw ng mga totoong nakakakilala sa aktor na nagsasabing, “well, mainggit na sila dahil sino ba ang merong magandang katawan, ang healthy at fit? At sino ba ang merong mga negosyo at yaman kahit wala ang showbiz? And yes, showbiz ba kamo? Sino ba ang may mga napatunayan na?”

But then again, hindi yun ipagyayabang ng mga katropa ni Papa D, moreso ni papa D.

Kaya sa mga nagsasabing nagpapansin si Papa D, ay bongga daw dahil napansin ninyo pala siya, hahahaha! At sa mga soon ay magkakaedad din o mga ka-age niya, sige nga, ipagyabang ninyo ang healthy and fit ninyong mga katawan?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy