Una sa Balita

Moira mamatay ka na, laos ka na!

Naiyak sa mensahe ng basher

By
0 1,830

Kaloka ang buhay ngayon, ibang-iba na. Dahil sa social media, parang ang dali-dali na lang sa lahat ng tao na manakot, manira ng buhay.

Aba, kung mahina-hina lang ang puso mo, siguradong sa ospital ka dadamputin, at kung mamalasin ka pa, sa sementeryo na ang tuloy mo.

Sa panahon ngayon, kahit wala kang ginagawang masama, ang daming galit sa iyo. Kahit nagtatrabaho ka lang, may bigla na lang magwawala sa presence mo at pagbabantaan ka ng kung ano-ano.

Tulad nga ng nangyayari ngayon sa singer na si Moira dela Torre, na hinahangaan ng marami dahil sa husay at kakaibang istilo niya sa pagkanta.

Ang bilis ng pagsikat niya, dahil lahat yata ay nakaka-relate sa mga hugot song niya, ha!

Pero, hindi pala lahat ay naaliw talaga sa kanya, kahit na nga mukha siyang hindi makabasag-pinggan, ha!

Kuwento ni Moira:

“Someone messaged me ‘Ang daming mas magaling sa’yo, mamatay ka na laos ka na’ and tbh (to be honest) I wasn’t ready for it and almost cried until I realized… comparison, hate, bashers only have p­ower when I give them power.

“I know very well that there are so many other people who are IMMENSELY more talented and more deserving than I am, but that only makes me even more grateful to be given what I have now.

“Posting this because I know that in my time here, I want to be someone who lifts others up, who shows people that we can shine without pulling others down knowin­g that God has wonderful plans for each one & that He created a world big enough for all of us.”