Una sa Balita

Moira buntis na?

0 618

Masyado talagang ginagalingan ni Jason Marvin ang pagpapakilig sa mga fan ng kanilang pagmamahalan ni Moira! Tila patuloy nga ang panliligaw ng musikero kay Moira kahit mag-asawa na sila.

Mas na-catch pa ang atensyon ng mga fan nang mag-post si Jason sa kanyang Instagram ng stolen picture ni Moira habang busy na mag-cellphone sa tabi ng pool with caption na “One day you’ll be staring at the blessing you used to always dream about.”

Kilig to the bones nga naman talaga ang caption ni Jason, parang ang sarap na ma-in love talaga! And guess what? Mas nagwala ang mga fan nang mag-comment si Angelica Panganiban ng “Feeling ko, may baby na kayo!!!”

“Woi ate easy lang! hahahaha” at “woah woah wait lang po!” reaksiyon ni Jason.

Dahil dito bumuhos nga ang intriga sa comment section ni Jason at sunod-sunod ang tanong kung buntis na nga ba ang kanilang idolo dahil galing nga kay Angelica at knowing kung gaano sila ka-close sa isa’t isa. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy