Una sa Balita

Modus sa SMDC at BDO imbestigahan (Part 1)

By
0 874

Isang hinihinalang malaking panloloko ang nangyayari nga­yon sa SMDC at sa kapatid nitong kompanya na Banco De Oro.

Maituturing itong modus upang makapag-agrabyado sa mamamayan lalo na sa mga interesado sa condominium ng SMDC.

Isang halimbawa ang kaso ko na nakumbinsi na bumili ng isang unit ng condo sa SMDC Light Residences sa EDSA Mandaluyong City.

Sa pagkumbinsi ng mga broker at ahente ng SMDC ay napapa­yag tayo na kumuha ng condo unit dahil daw sa magandang investment ito.

Ang usapan ay mayroong down payment na babayaran ng 2 taon at matapos nito ay maaa­ring mag-apply ng hou­sing loan sa Banco De Oro.

Nagsumite ako ng mga requirement para sa usaping pinansiyal upang maaprubahan ang pagproseso nang pagkuha ng unit at para na rin sa down payment.

Naaprubahan naman ng SMDC ang pagbili ng condo unit at hiwalay pa ang parking slot.

Sa hakbang na ito at pagbusisi ng SMDC ay may kakayahan tayo na bumili at magbayad sa nasabing property.

Makalipas ang 2 taon na pagbabayad ng ins­tallment sa down payment ay muling ipinaproseso na ang hou­sing loan sa BDO.

Pero ang masaklap ay hindi inaprubahan ng BDO ang housing loan dahil wala raw ta­yong kakayahan na magbayad.

Bakit inaprubahan ako ng SMDC at bakit sa BDO ay hindi? May naamoy tayong modus dito at panloloko… itutuloy sa susunod nating schedule ng pitak na ito.