Una sa Balita

Modern Girl mapapalaban

0 209

MAKIKILATIS si Modern Girl ngayong gabi sa magaganap na Condition Race category 22 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sasakyan ni class B rider JL Paano, makikipagtagisan ng bilis si Modern Girl sa anim pang tigasing kalahok sa 1,300-meter race na pasisibatin sa pang-limang karera. Ayon sa mga beteranong karerista, posibleng magbibigay ng laban kay Modern Girl sina Nostradamous at Maybe This Time.

“Magagaling din ang makakalaban ni Modern Girl kaya huwag silang pakasiguro,” hayag ni Benito Ramos. Ang ibang kalahok ay sina Pintados, Run Al­gieri Run, Arrowhead at Princess Atiana.

“Gagawin lang namin ‘yung ineensayo namin at sunod sa utos ng trainer sa tingin ko malaki tsansa namin manalo,” ani Paano. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy