Una sa Balita

‘Di ko nilandi si Matt’ – Sasha

By
0 3,738

Sino ba si Sasha Tajaran sa buhay ni Matteo Guidicelli? Kumalat sa social media kamakailan na nahuling nakikipag-date si Matteo sa modelong si Sasha sa Cebu.

Maraming netizens ang nagtanong kay Sasha sa pamamagitan ng Instagram Stories niya:

“Paki-explain nag-date ba kayo ni Matteo sa Cebu? Totoo ba yun? Kasi gumagawa sila ng issue. Alam mo naman na may girlfriend siya diba?”

“Huyy nilalandi mo ba si Matteo? Like ka ng like ng pictures niyo hindi ka ba nahiya sa gf niya?”

“May na nakita daw sa inyo eh may nagsabi na fan.”

Sinagot naman ito ni Sasha bilang pagdepensa niya sa mga umaakusa sa kanya na inaagaw nito si Matteo sa girlfriend na si Sarah Geronimo.

“I saw him in craftcafebar in Cebu nung Dec. 24. We didn’t even talk.

“I was partying with my co-models. I just said hi to him from a far but he didn’t even recognize me coz he was drunk already.

“And I know better to date a guy who has a gf.

“I barely get out the house. So who ever made that issue. God will deal with them.

“Anu to? Bat di ako na-inform na nag date pala kami ni Mat? Kelan po? Go to hell mga gumagwa ng kwento.

“Dami nag-Dm sakin, bakit kayo galit sakin dapat nga ako magalit, db? Sinasama niyo ko sa mga kagaguhan niyo.”

Nakasama pala ni Matteo si Sasha sa isang pelikula nila na Across The Crescent Moon.

“I know @mateoguidicelli kasi kasama ako sa movie na Across The Crescent Moon. And Mat was the lead actor.

“I know may gf sya and he love Sarah. So please wag niyo ko damay sa mga walang kwentang issue.

“Di Kami nag-date ni Mat. Di ko din nilandi si Mat. At may boyfriend po ako para sa kaalaman niyo.”