Una sa Balita

Model/actor, ginamit sa kape

By
0 6

Nairita ang isang model-actor sa isang imbitasyon ng bago niyang kakila­lang may-ari ng isang coffee shop. Buong akala­ niya ay inimbitahan siya nito upang makipag-jam sa kanya dahil ipinagmamalaki talaga nito ang lasa ng sini-serve nilang kape.

Mabait kasi ang ­celebrity na ito kaya hindi­ niya matanggihan ang imbitasyon nito.

‘Yun nga lang, kakaupo pa lang niya ay ­sinerve na sa kanya ang kape may original na label na ayon dito ay sa kanila ang brand na ‘yun, sabay picture habang hawak ng aktor ang sachet na binabasa ang nutritional content na ito. 

Hindi pa ito, vinideohan pa siya ng bago ­niyang kakilala sabay tanong kung masarap ang lasa ng kape nila. Dito naging uncomfor­table na siya dahil feeling niya ay nagamit siya for a free advertisement lalo na’t sinabihan siya na libre siyang magkape doon for one year at ilalagay pa sa tarpaulin. 

Pero dahil mabait nga siyang tao, inubos pa rin niya ang kape pero nagpaalam na. ‘Yun nga lang, pinakiusapan niya ang kanyang kasamang kaibigan upang puntahan­ ang may-ari ng cafe at ipa-delete na lang ito dahil ­pakiramdam niya ay nagamit siya at foul talaga ang move na ito.

‘Yun na!

Pinay na si Alisah Bonaobra, idinaan sa iyak, pagmamakaawa,
birit, makapasok lang sa X Factor UK

Alisah Banaobra
Alisah Banaobra

Sa nakaraang bootcamp stage ng X Factor UK, sabay na nalaglag ang dalawang Filipina singers na may parehong powerhouse voices, sina Gaga Lord at Alisah Bonaobra.

Si Gaga Lord ay matagal nang resi­dente sa UK, samantalang si Alisah ay nakapunta lamang sa nasabing bansa para sumali­ sa X Factor dahil sa pag-ambag-ambag ng Filipino community sa UK.

Parehong impressive ang naging audition ng ­dalawa hanggang umabot nga sila sa bootcamp stage kung saan apat na kapwa contestants ang sabay-sabay na kakanta at doon na mamimili sina Simon Cowell, Sharon Osbourne, Louis Walsh at Nicole Scherzinger.

Sa apat ay isa lamang ang kanilang napili. Dito na gumawa ng ‘eksena’ si Alisah na dating contestant ng The Voice of the Philippines Season 2.

Nakiusap ito kay Simon na bigyan siya ng isa pang pagkakataon habang humahagulgol na nakaupo onstage, pero ‘di sya pinagbigyan nito. 

Sa backstage ay pinuntahan siya ni Nicole habang nakikiusap na bigyan siya ng another chance sabay banat ng chorus ng kantang We Belong Together.

Dito nagdesisyon si Nicole na pabalikin siya onstage na inaprubahan naman ni Simon base sa impromptu singing na ginawa ng Pinay belter.  

Sa kanyang solo performance, halos magiba ang stage sa pagkanta niya ng Defying Gravity ng musical na Wicked. Umani ito ng standing ovation mula sa jud­ges at audience kung saan inanunsiyo nga ni Simon na nakapagdesisyon silang apat na hurado na i-level up na rin siya sa susunod na labanan, ang Sixth Chair Challenge.

O ‘di ba? Kung eksena at eksena man lang at ta­lento, hindi papakabog ang ating Pinoy talents, noh!

Kahit sabihin pang mukha na siyang kawawa onstage! Chosss!