Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Model na nagpakasal sa sarili, nakipaghiwalay

0 52

Nagdesisyon ang isang 33-anyos na babae mula Sao Paulo, Brazil na hiwalayan ang kanyang sarili – matapos niyang paka­salan ang sarili noong Setyembre.

Ayon sa ulat ng isang pahayagan sa UK, kinilala ang babae bilang si Cris Galera, isang modelo.

Kuwento ni Cris, makikipaghiwalay na siya sa kanyang sarili dahil mayroon siyang nakilalang ‘someone special’.

Kaya naman, tumagal lang nang 90 araw ang pagiging kasal niya sa kanyang sarili.

“I was happy while it lasted,” kuwento ni Cris.

“I started to believe in love the moment I met someone else special,” dagdag niya.

Naisip aniya niyang pakasalan ang sarili, Setyembre 14, 2021, matapos niyang magsawa sa pagdepende sa mga lalaki, at matapos niyang ma­diskubre na kaya niyang tumayo mag-isa.

“Yes people, it’s true! I got on the wave of sologamia and deci­ded to marry myself. I’m celebrating my self-love and I want to inspire other women to exalt their self-esteem!” caption noon ni Cris sa Instagram post kung saan ibinida niya ang mga larawan sa kanyang self-wedding. Sa labas ng isang simbahan, nakasuot siya ng putting wedding gown at may hawak na puting flower bouquet.

“A sologamy for those who don’t know is the marriage of a person to himself,” paliwanag pa niya sa wikang Portuguese. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.