Una sa Balita

Mocon sa kalye nagpraktis

0 304

WALANG court, walang problema.

Ito ang ibinahagi ni Rain or Shine guard Javee Mocon sa kanyang Instagram story matapos makikitang nag-didribol o nag-eensayo sa kalsada.

“No court No problem thanks kuya @kennethmocon,” ito ang caption ng 6-foot-3 guard ng ROS na si Mocon (@javeemocon).

Nakilala ang 24-anyos na basketbolista sa NCAA para sa koponan ng San Beda Red Lions kung saan bahagi ito ng apat na kampeonato at NCAA Finals MVP noong Season 94.

Kasalukuyang naglalaro naman ito para sa Rain or Shine Elasto Painters na may average na 8.42 points, 6.95 rebounds at 1.74 assists kada laro. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More