Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mocon, Painters puputulin ‘sumpa’

0 144

Mga laro ngayon:

(Ynares Sports Arena-Pasig)

2:00pm — Rain or Shine vs. Terrafirma

4:35pm — Phoenix vs. TNT

SUSUBUKAN ng Rain or Shine na bumalik sa win-column laban sa Terrafirma sa first game ng binagong schedule ng PBA sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kung hahaba sa tatlo ang dikit-dikit na talo ng Elasto Painters, sasagasaan ng Dyip ang unang panalo sa pang-apat na subok.

Inumpisahan ng Painters ang Philippine Cup sa 3-0 bago magkasunod na natisod sa Alaska (74-48) at huli sa TNT (79-69) nito lang Biyernes.

Kontra Aces, pininturahan ng Rain or Shine ang franchise-worst score at second-lowest output sa kasaysaya ng liga.

Nalakwatan lang ng Painters ang 21-year-old record ng Shell na 47 points nang mahulog ang tres ni Adrian Wong sa dying seconds.

Laban sa Tropang Giga, naiwan sa 43-33 sa halftime ang RoS at hindi na nakarekober.

Nakapagsumite ng 22 si Javee Mocon kontra TNT, pero nawala sina Rey Nambatac at Beau Belga. May 4 points lang si Nambatac mula 2 of 12 shooting, mas inalat si Big Beau na 0 of 7 sa field. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.