Una sa Balita

Mocon nakipaglaplapan sa dyowa

0 488

NILALANGGAM ang Valentine’s Day celebration ni Philippine Basketball Association player Javee Mocon base sa post na pagbati sa kanyang foreign girlfriend na si Ivy Belerhas.

@javeemocon: “Happy Valentine’s Day my angel It sucks I can’t be with you today.. but no matter how far you are always know that I love you to the moon & back,” caption ng Rain or Shine incoming sophomore at rising star sa multiple photos and videos na inupload niya sa kanyang Instagram account nitong Biyernes.

Kabilang sa iba’t ibang pinaskil ng 24 year old, 6-foot-3 forward at Guagua, Pampanga native ang litrato nilang dalawa ng maganda, seksi at makinis na nobya, pati ang isang video na maiispatang naglips-to-lips sila.
Kakilig-kilig na reply naman ang hinatid ng kanyang nobya nang mag-comment ito sa nasabing post.

“NAWWW, I love you and miss you so much my magic. You’re the best thing to happen to me and I thank god for this blessing every day,” @iiiivyyyyyyyy.
“I’ve never met someone so kind, caring, genuine. I wish I could be with you today and always, but it’s okay because you’re always with me, on my mind and in my heart.”

Suportado na ni Ivy ang former San Beda Red Lion King sa may 15 buwan na nilang mag-steady.

Noong Mayo, inamin ng Australia-Greek na na-witness niya sa hirap na dinaranas ng basketbolista pero napamahal sa kanya dahil sa quality time nilang pinagsasaluhan. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More