Mocha Uson, ‘di ka-level ni Robredo

By

Ayaw bumaba ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa level ni Mocha Uson kaya hindi nila pinatulan ang pagmumura at panlalait ng dating sexy star.

Sa ambush interview kay Georgina Hernandez, imbes na patulan si Uson ay nanawagan lamang ito ng ‘konting respeto’ sa posisyon ni Robredo na laging target ng paninira.

“Nananawagan tayo na magkaroon tayo ng kaunting respeto, hindi lang dahil Pangalawang Pangulo ‘yung kinakausap natin, kundi kapwa tao natin ‘yung ating pinatutungkulan,” giit ni Hernandez.

Reaskyon ito ng kampo ni Robredo sa kumakalat na video sa social media ng pagmumura at panlalait ni Uson kay Robredo sa kanyang programa sa radyo.

“Sino sa tingin mo ang paniniwalaan ng mga tao ? Ikaw Mocha Uson na bayaran ng isang kilalang angkan ng mga Pulitiko o si VP Leni na isang PAO lawyer na nagsisilbi ng tapat at kumikilos na parang isang pangkaraniwang tao,” pahayag ni Hernandez.

Maraming netizens din ang nagalit sa pambabastos ni Uson kay Robredo kung saan naungkat pa ang tila pagtutulog-tulogan umano ng Movie and Televition Review ang Classification Board (MTRCB) sa pagmumura sa ere ng kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawag ding ‘tanga’ si Uson ng ilang netizens at iminungkahi sa sexy star na bumili ng ‘utak’ dahil wala sa ayos ang tirada sa pangalawang pangulo.


SHARE