Una sa Balita

Mocha supot ang pasabog

0 1,728

Marami ang nagsasabi na kung ang layunin ng pinag-uusapang viral video nina Mocha Uson ay gawing kontrobersyal ang salitang ‘federalismo’ nagtagumpay ang mga ito.

‘Yun nga lang, dahil bano o walang laman ang natu­rang konsepto sa isipan ng mga tao, nagmistula lang itong isang bersyon ng PR na pampaingay lang. Kumbaga sa bombang pinasasabog, ‘supot’ ang arrive nito.

Well, para naman sa ibang kritiko ni Mocha, dapat na raw talaga itong tanggalin sa gobyerno da­hil sa mga palpak nitong pinaggagagawa.

Iyan daw ay kung seryoso ang gobyernong ito sa panuntunan nilang kalusin ang mga pampagulo lang.

Pero siyempre dahil la­ging sinasabi ng mga sumusuporta kay Mocha na nakakaimpluwensya at nakaka-attract ito ng atensyon dahil milyones ang follower nito, malamang daw na panatilihin ito sa puwesto.

Kaya sa mga nagpaparatang na ‘pepe at dede’ rin umano ang naging puhunan ni Mocha para maging ASEC siya ng PCOO, aba’y mag-isip-isip po kayo bago kayo “ma-deralismo” ng mga bilib na bilib sa kanya hahahahaha!

Hashtag Nikko super beso sa mga alalay, driver

Nakakabilib naman si Nikko Natividad ng Hashtag. Dahil nga sa nasasanay na siya sa mga kalakaran ng media confe­rences, sinusubukan nga raw niyang laging dumating nang maaga at maging friendly sa lahat.

Minsan nga raw ay nabebeso niya o nakakamayan sa mga presscon kahit ang alalay o driver o make-up artist ng mga kafatid sa media.

“Pero masaya naman po ang ganung experience. Nakakaaliw at dumadami rin friends natin,” sey ni Nikko.

Isa siya sa mga bida sa PPP entry ng Trex Films na Bakwit Boys. Musical romcom ang movie na dinirek ni Jason Paul Laxamana, na gaya ng isa pa niyang entry na The Day After Valentine’s, graded A mula sa CEB.

Slowly but surely ang description ni Nikko sa takbo ng kanyang career. Hindi naman daw siya nangangarap na maging leading man, pero kung mabibigyan daw ng chance, eh bakit hindi daw niya subukan.

Willing din daw siyang subukang gawin ang lahat, maliban lang daw yung umarte sa harap ng kamera ng walang saplot.

“Hindi ko naman ikinahihiya kung anong meron ako, pero siyempre, ang pag-arte naman eh hindi sa ganun dapat ang sukatan.”