Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mocha suportado mga kabit

0 300

Dahil sa isyu na nabuntis siya at naiturong ama raw ay si Robin Padilla, nagkaroon ng ideya si Mocha Uson ng isang advocacy tungkol sa mga babaeng nadapa at nagkamali sa pag-ibig.

Matapos niyang ipangalandakan sa socmed ang kanyang kaseksihan bilang patunay na hindi siya buntis, nais ni Mocha na tulungan ang mga babaeng sa halip na tulungang magbago at makabangon, ay pilit pa ring dinudurog ng lipunan.

Pinoste ng isang kilalang DDS vlogger na si Banat By sa kanyang Instagram ang pagnanais ni Mocha na maging tulay para sa mga babaeng biktima ng maling pag-ibig.

Ayon sa mensahe, hindi dapat kinukondena ng lipunan ang pagkakamali ng mga babaeng nagmahal sa maling lalake at sitwasyon dapat sila ay tulungang makabangon.

“Kaya naisip ko po na idagdag sa aking adbokasiya na tulungan ang mga babaeng nagkamali sa lipunan o napariwara ng landas,” sabi niya.

Bubuuin ni Mocha ang MOCHA o Mothers for Change, na para sa mga single mom at mothers na iniwan ng kanilang mga asawa.

Giit ni Mocha sa mga pumapatol sa may asawa, mali ito at hindi ito dapat ginagawa.

***

Sharon sumugod sa ABS-CBN

Sumugod, tumuntong nitong Linggo sa ABS-CBN si Sharon Cuneta, hindi para mag-guest sa ASAP.

Ayon kay Sharon, nasa dressing room siya ng Kapamilya channel para sa taping ng “Your Face Sounds Familiar”. Sa muling pag-ere nito ay kabilang nga si Sharon sa mga hurado dito.

Habang nasa dressing, pinuntahan ni Sharon ang kaibigang si Regine Velasquez at ng nitong si Ogie Alcasid.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Happy na ulit ang mga fan ng Megastar dahil malapit na nga nilang mapanood ang kanilang idolo.

***

Dimples asensado negosyo

Hindi pinadapa ng pandemya at mababang estado ng ekonomiya ang kabuhayan ni Dimples Romana, partikular ang negosyo niyang Eyelash extension.

Aba, dalawa sa unang franchise ng kanyang “Asia’s Lashes” ay nagbukas na nitong weekend. Nakaposte sa Instagram ni Dimples ang larawan sa isinagawang ribbon cutting ng salon sa Makati at Bulacan.

Hinangaan ang husay sa paghawak ng kanyang pera si Dimples, kaya naman hanggang ngayon ay kumikita pa rin ito sa labas ng showbiz.

***

Arci, 2 kapatid kabugan ng alindog

Napa-‘sana all’ ang mga netizen sa muling pagbalandra ni Arci Muñoz ng alindog sa Instagram, nang hubarin niya ang kanyang military uniform at ipinakita ang kaseksihan suot ang 2-piece bikini.

Kaya naman napa-‘sana all’ ang mga tagahanga ni Arci dahil pati ang dalawa niyang kapatid at ina ay nagbalandra rin ng kaseksihan.

Pamilya ng mga maangas sa kaseksihan sina Arci. Hindi rin nagpakabog na nag-emote ang ina niya at dalawang kapatid.

Ang isang kapatid ni Arci na modelo ay pamatay rin ang pigura.

Anyway, sabi nga ni Arci ay sa ina nila nakuha ang kanilang alindog.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.