Una sa Balita

Mocha sumasahod sa fake news — VP Leni

0 426

INSULTO sa taumbayan na may opisyal ng gobyerno na sumasahod para lang magpakalat ng fake news, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Tinukoy ni Robredo si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director Mocha Uson bunsod ng pinost nito sa Facebook na nama­hagi lang daw ang Bise Presidente ng isang boteng mineral water at 5 pandesal sa mga evacuee sa Batangas noong Miyerkoles.

“While our people are suffering from an unfortunate tra­gedy, this bearer of fake news continues to receive salary out of taxpayers money. Parang sobrang insulto sa taumbayan na tayo iyong nagpapasuweldo ng isang taong ginawang trabaho iyong pagpapakalat ng fake news,” wika ni Rob­redo sa isang ambush interview sa Caloocan City.

“Pati ba naman trahedya, gagamitin pa para magsinungaling. Let’s all help put a stop to the proliferation of lies,” diin pa ni Robredo. (Tina Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More