Una sa Balita

Mocha kumanta sa fake news

0 555

Inamin ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson na “honest mistake” ang pinost niya sa Facebook na nakita ng fake news investigator ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ang naging pahayag ni Uson sa interview matapos na tumungo ito sa NBI upang magpaliwanag sa pinost sa Facebook hinggil sa biniling personal protective equipment ng gobyerno, pero maling larawan ang ginamit.

Si Uson ay pina-subpoena ng NBI Cybercrime Division dahil sa pinost nito sa social media noong Abril hinggil sa 15,000 set ng PPE na binili ng Department of Health subalit ang ginamit na larawan ay mula sa pribadong foundation.

Aniya, kaya niya ito pinost ay para masabing may ginagawa ang gobyerno sa problema ng kakulangan ng PPE.

“Kaya nga du’n sa post ko, nai-share ko ‘yung good news na mayroong ginagawang aksiyon ang gobyerno na mag-provide ng PPEs sa ating mga frontliners,” paliwanag ni Uson.

“Eh nagamit ko ‘yung photo na ‘yun mula sa Philippine Star na respetadong mainstream media, broadsheet. ‘Yun pala mali din sila ng nagamit na larawan. So ‘yung impormasyon na gusto kong i-share sa publiko [ay] may ginagawa ang gobyerno para pangalagaan ‘yung frontliners natin. Nagkamali lang, honest mistake ‘yung sa photo,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Uson na gumawa na siya ng erratum sa kanyang Facebook page dahil sa pagkakamaling ito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More