Una sa Balita

Mocha inokray ni Binay sa pambababoy sa mga pipi, bingi

By
0 1,405

DISMAYADO si Senador Nancy Binay sa pani¬bagong video nina PCOO Asec. Mocha Uson at blogger Drew Olivar, na maituturing na panghahamak sa deaf at mute community.

“Hindi nakakatuwa ang huling video ni Asec. Mocha Uson at Drew Olivar. It is disrespectful to the sizeable deaf/mute community who already struggle in airing their concerns and aspirations,” saad ni Binay.

Bilang author at co-sponsor aniya ng Filipino sign language bill na naglalayong kilalanin at suportahan ang pagpapatupad ng sign language sa lahat ng tran¬saksyon at sa edukasyon ng deaf community na pinagtibay lamang kamakailan ng Senado, nababahala ang senador sa epekto ng pa¬ngungutya at pang¬hamak.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang discriminatory actions ay maituturing na mala¬king setback sa kanilang mga hakbangin upang ma-ging kaaya-aya ang komunidad para sa mga bingi at pipi at mapa¬ngalagaan ang kanilang karapatan ng pamamahayag nang walang pang-huhusga.

Ipinaalala ni Binay kay Mocha na siya ay isang public official at hindi dapat nangunguna sa panglalait.

“I wish to remind Asec. Mocha that as a public official, it is pa¬ramount that she refrain from mocking the people she serves,” diin ni Binay.

Binigyang-diin pa ng senador na ang panghahamak sa mga may kapansanan ay paglabag sa Magna Carta for Disabled Persons o RA 9442.

“Again, sign language should never be made an amusement piece,” diin ni Binay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy