Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mobile game puwedeng pagkakitaan

0 39

Sa mga Pinoy gamer diyan na gustong kumita, nauuso ngayon ang isang laro kung saan kumikita ang mga kalahok.

Ang Axie Infinity ay isang uri ng mobile game.

Pero hindi kasi ito basta-basta laro. Kailangan kasi na mamuhunan muna ang naglalaro nito sa pamamagitan ng pagbabayad o pagbili ng virtual character, na ang tawag ay “Axie”.

Itong mga Axie ang siyang katuwang ng “player” para makaipon ng pera dahil ito ang gagamitin sa pakikipaglaro at pakikipaglaban sa ibang mga manlalaro.

Sa bawat panalo ay makakaipon ng puntos na siyang magiging kita ng manlalaro sa pamamagitan ng “cryptocurrency”.

Ito ay maaring i-cash out bilang totoong pera.

Sa tindi ng kikitain sa laro, mayroong nakapagpundar na ng sariling bahay at sasakyan.

Ngunit kung hindi ka naman player o walang panahon maglaro pero gustong kumita, maaari ka pa rin namang kumita sa pamamagitan ng pagkuha ng isang scholar.

Mangangahulugan ito na ikaw ang mag-i-sponsor sa manlalaro tapos ang kikitain niya sa laro ay paghahatian ninyo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.