Una sa Balita

Mobile car pinagtripan! 2 salesman kalaboso

0 426

BINITBIT sa Manila Police District-Police Station 9 ang dalawang salesman matapos na pagtripan ang isang mobile car ng mga nagpapatrolyang pulis kamakalawa ng hatinggabi sa may panulukan ng Taft Avenue at Dagonoy St., sa Malate, Maynila.

Nahaharap sa kasong­ unjust vexation sina Aldy Delos Verjes y ­Roflo, 18, salesman at residente ng B13 L33 Mabuhay Homes 2000 Dasmariñas, Cavite at Joshua Calderon y Carino, 20, residente ng No. 520 Libis St., Orcana, Caloocan City.

Ayon kina PCpl. Larry John Lumacad at PCpl. Wilson Luis Lopez ng Adriatico Police Community Precint, dakong alas-11:00 ng gabi nang makita nila na nasa harapan ng mobile car si Verjes at nagpakuha ng larawan kay Calderon, gamit ang cellphone habang naka-sign ng fuck you ang dalawang kamay.

Nang makita ang ginawa ay binitbit ng mga pulis ang dalawa at dito nakita sa kinunan na larawan ni Calderon sa cellphone ang ginawang pag-fuck you ni Verjes sa harap ng mobile car No. 177. (Juliet de ­Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More