Una sa Balita

MNLF recruiters sa Cotabato, umiiskor

By
0 3

Mahigpit ngayon ang ipinatutupad na seguridad sa T’boli, South Cotabato, dahil sa ulat na presensya ng umano’y Moro National Liberation Front (MNLF) recruiters sa lugar.

Sa ulat ni Chief Insp. Ramil Fantillano Divinagracia, hepe ng T’boli Police, base sa nakalap nilang report, isang nagngangalang Lt. Col. Pelizardo Rico, kasama ang dalawang iba pa ang umano’y nagre-recruit na maging kasapi ng MNLF.

Napag-alaman na ang bawat indibidwal na nire-recruit ay pinangangakuan na bibigyan ng buwanang sahod na P36,000 pero ang bawat sumasaping indibidwal ay hinihingan umano ng P400 kada buwan na ayon kay Divinagracia ay isang klase ng korapsyon.

Kaugnay nito, nakararanas ng takot ang mga residente sa lugar dahil sa balitang may mga Maranao na naninirahan kung saan isinagagawa ang naturang recruitment.