Una sa Balita

MMK ni Rondina, eere sa Hulyo 20

0 251

MAPAPANOOD na sa darating na Sabado, Hulyo 20 ang ‘Maalaala Mo Kaya’ o MMK episode tampok ang buhay ni dating University of Santo Tomas Golden Tigress at volleyball star Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina.

Gagampanan ni Kapamilya actress Kim Chiu ang karak­ter ni Rondina sa kuwento ng kanyang buhay.

Sa Twitter post ni Rondina nitong Linggo, inimbitahan niya ang kanyang mga fan at supporter na tutukan ang MMK sa Channel 2 ng ABS-CBN.

“Sabay sabay po tayong manuod sa July 20 po,” paskil niya sa (@Rondina011).
Na-excite tuloy ang mga fan katulad ni Bianca Cruz (@biancavcruz) base kanyang tweet: “WOOH trailer pa lang naiyak na ko.”

Tweet naman ni aidelyn.delfin (@aidelyn_delfin) “Manonood po ako idol…matagal ko na pong hinihintay na yung story mo mapanood na on MMK…”

Alas-8:30 ng gabi mapapanood sa TV ang programa. (Janiel­ Abby ­Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy