Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MMFF pinalulusaw ni Pacquiao

0 140

NAGHAIN si Senador Manny Pacquiao ng isang panukala na naglalayong baguhin ang pangalan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) o Philippine Film Festival.

“Despite MMFF’s commitments to enrich Philippine culture, to deepen our awareness of our historical heritage and traditional values, and to refurbish native arts, the event’s nomenclature depicts exclusivity,” pahayag ni Pacquiao sa kanyang explanatory note ng panukala.

Basahin : Lacson: Sinopharm, Pfizer dinribol! Duque bet mas mahal na Sinovac

“The “Metro Manila” in the Metro Manila Film Festival conveys exclusiveness of the illustrious tradition and celebration of local film production to the country’s capital,” dagdag nito.

Sabi ni Pacquiao, pangunahing layunin ng panukala na makilalang mabuti ang local movie industry.

Basahin : Anak ni Gloria epal sa Sinopharm

“In order to fully recognize the local movie industry’s goal of over-all developmental effort for the country, it is but suitable to rename the Metro Manila Film Festival into an inclusive “Philippine Film Festival,” ani Pacquiao.

Binuo noong 1975, ang MMFF ay taunang event na inorganisa ng Metropolitan Manila Development Authority para tumulong sa pagpapalakas ng local film industry.

Basahin : Duterte tinawag na bulador mga senador

Naging tradisyon na ito ng mga Pinoy tuwing kapaskuhan para mabood na mga locally-produce film na ipinpapalabas simula Disyembre 25 hanggang unang linggo ng Enero. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.