MMDA spox inurot mag-kagawad muna

Inokray ng mga mangingisda ang pagtakbo ni dating MMDA spokesperson Pircelyn Celine Pialogo bilang representative ng Malasakit Movement Party-list at maging kinatawan ng mga barangay official sa Kongreso.
Hinamon ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas si Pialogo na patunayan ang kanyang halaga bilang representante ng mga barangay official at magsilbi muna bilang kagawad o barangay tanod at nang maintindihan niya ang problema ng mga ito.
Sabi ng Pamalakaya, ang party-list ni Pialogo ay bahagi ng makinarya ng Malacañang para siguruhing masusulong pa rin ang interest ni Pangulong Rodrigo Duterte at sindikato ng mga politiko.
Papangalanan ng Pamalakaya ang mga huwad na party-list na na pinopondohan ng Malacañang sa darating na mga araw. (Eileen Mencias)