Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MMDA rescuer niratrat ng tsuper sa parking

0 80

Isang tricycle driver ang nakorner ng awtoridad sa hot pursuit operation makaraang pagbabarilin nito at mapatay ang isang MMDA rescuer sa tapat ng bahay nito matapos ang mainitang pagtatalo sa parking area sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan nitong Miyerkules ng hapon.

Base sa report ng pulisya, nakilala ang naarestong suspek na si Marlon Binavice, 42, ng Barangay Pulo, San Rafael na nakadetine ngayon matapos pagbabarilin ang isang hindi pinangalanang MMDA rescuer at residente ng Barangay San Roque, Angat.

Nabatid na naganap ang insidente pasado alas-5:00 ng hapon nitong Miyerkules nang magtalo

ang suspek at ang biktima dahil sa parking area ng traysikel sa tapat ng bahay ng huli sa Barangay San Roque, Angat.

Napikon ang suspek kaya panandaliang umalis at nang bumalik ay armado na ng maigsing baril saka pinagbabaril ang biktima na nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit hindi na naisalba bunga ng mga tama ng bala sa katawan.

Tumakas ang suspek ngunit nakorner din ito ng Angat police at marekober sa kanyang pag-iingat ang caliber 38 revolver na ginamit sa pamamaril, limang bala at traysikel na ginamit nito sa pagtakas.

Lumilitaw na matandang alitan na ang motibo ng pamamaril at nahaharap ngayon sa kasong murder at violation of Omnibus Election Code ang naarestong suspek. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.