Una sa Balita

MMDA personnel utas sa banggaan

0 378

AGAD binawian ng buhay ang isang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) habang kritikal ang kondisyon ng dalawa nitong angkas, nang mabangga ng isa ring motorsiklo ang sinasakyan nito sa Caloocan City, Martes nang gabi.

Kinilala ang ­nasawing biktima na si Luis ­Abejar, 55-anyos, kawani ng ­clearing operation ng MMDA, residente ng Brgy. 176 ng nasabing ­lungsod, dahil sa tindi ng ­pinsala sa ulo at iba’t ibang ­bahagi ng katawan.

Nasa Dr. Jose Rodri­guez Memorial ­Hospital ang mga kasamahan ni Abejar na si Annabele Manahan, ­empleyado din ng MMDA at Jeremy ­Sison, 44-anyos, construction worker.

Kulong at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to pro­perty ang suspek na si Randelito Lesigues, 38-anyos, construction worker.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:05 nang gabi, lulan ng motorsiklo at binabaybay nina Abejar, kasama ang dalawa niyang angkas ang kahabaan ng Phase 1 Road, corner Grema Street, Bagong Silang, Brgy. 176.
Nasa kabalidang linya naman umano si Lesigues na sakay din ng motorsiklo na may plate number na NA-64279.

Dahil may ­kadiliman ang lugar, kapwa ­hindi umano napansin ng ­dalawa ang isa’t isa kaya nagbanggaan ang kanilang mga motorsiklo.

Sa lakas nang pagkakasalpok tumilapon sina Abejar at tumama ang ulo nito sa semento na dahilan ng agarang pagkamatay. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy