Una sa Balita

MMDA kinalampag sa mga pagbaha sa Metro Manila, anti-flood project apurahin

By
0 1,456

Pinapaspasan ng isang kongresista ang mga proyektong pa­ngontra sa baha sa kalakhang Maynila.

Pinakikilos ni Quezon City Rep. Winston ‘Winnie’ Castelo ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA).

Ayon sa solon, dapat bilisan na ng MMDA ang bidding sa mga proyekto na lulutas sa problema ng mga pagbaha.

“Metro Manila re­sidents were again at the receiving end of the delay in the flood control pro­jects in Manila recently as a thunderstorm brought heavy rain resulting in flash floods that stranded thousands of commuters,” pahayag ni Castelo na chairman ng House committee on Metro Manila Development.

Iginiit ng solon na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naglinaw na hindi nito papayagang magdusa ang mga ordinaryong Pinoy dahilan sa kapalpakan at makupad na aksiyon ng mga ahensiya ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Castelo na hindi na dapat hintayin ng MMDA na si PDu30 pa ang mangalampag bago kumilos at aktuhan ang problema sa pagbaha sa Metro Manila.

“The P25 billion Metro Manila Flood Control Management Project (MMFCMP) which had received funding from the Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) and the World Bank (WB) should have been completed this month based on a government timetable but it’s has yet to be bidded out,” ani Castelo.

Kung mabibigo ang MMDA ay ipapanukala umano ng mambabatas na pagkalooban ng emergency powers ang Presidente para maresolba ang problema sa pagbaha.