Una sa Balita

MMDA dedma sa basher, yellow lane sa EDSA tuloy

0 248

HINDI titigil sa panghuhuli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motoristang lalabag sa yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi ni MMDA traffic czar ‘Bong’ Nebrija, sa kabila aniya ng mga batikos ng mga commuter at motorista sa kanila ay ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA.

Nito lamang nakaraang araw ay nag mistulang malaking parking area ang sitwasyon sa EDSA dahil umano sa naturang traffic scheme.

Paliwanag ni Nebrija, ang kawalan ng disiplina ng mga motorista, partikular ng city bus drivers ang naging sanhi ng masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.

Iginiit pa ni Nebrija na hindi umano magiging masikip ang yellow lanes kung matututo lamang magbigayan ang mga motorista.

Plano ngayon ng MMDA na maglagay ng fence at ballers sa yellow lane sa EDSA para doon manatili ang mga city buses na bahagi sa pagdidisiplina sa mga motorista. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy