Una sa Balita

MMC binulabog ni Pimentel

0 564

NABULABOG ang Makati Medical Center matapos madiskubreng positibo sa coronavirus si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III nang samahan niya ang kanyang buntis na misis sa ospital.

Ayon sa ulat, pumasok umano sa delivery room si Pimentel noong Martes nang gabi para samahan sana ang misis niyang si Kathryna na nakaiskedyul na manganak Miyerkoles nang umaga. Isinalang umano sa non stress test si Mrs. Pimentel bago sana isagawa ang cesarian delivery.

Pero ayon kay Pimentel, hindi totoong pumasok siya sa delivery room dahil noong tumawag ang taga-RITM (Research Institute for Tropical Medicine) ay doon lang niya nalaman na positive siya sa COVID-19 kaya agad siyang lumabas ng ospital.

“She was (scheduled) to give birth this morning. I received the call from RITM when I was already (in the ) hospital last night hence I left immediately,” ayon sa senador.

Dahil dito, agad na dinisfect ang delivery room. Mayroong dalawang resident doctor at dalawang nurse na nasa delivery room noong gabing iyon.

Nanawagan naman si Pimentel na ipagdasal ang kanyang asawa na nasa isolation dahil sa insidente.

“I need prayers for he kasi number one: She’s about to give birth. And siyempre being the wife of a COVID-positive, she’s under isolation, so kawawang kawawa,” apela ng senador sa isang interview ng CNN.

Sinabi pa ni Pimentel na naudlot ang cesarian delivery ng kanyang asawa matapos na isiwalat niya na positive siya sa coronavirus.

Bagaman noong Biyernes, Marso 20,2020 lamang siya nagpa-test, sinabi ni Pimentel na noong Marso 11, 2020 ay nilimitahan na niya ang kanyang mga galaw. Si Pimentel ang ikalawang senador na nagpositibo sa coronavirus matapos mauna si Senador Juan Miguel Zubiri.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More