Una sa Balita

MLB: Trout pipirma ng $432M deal sa LA

By
0 223

MALAPIT na raw ma­ging unang half-billion dollar man ng MLB (Major League Baseball) si Mike Trout.

Base sa ulat ng The Associated Press, malapit nang magkasundo sina Trout at ang Los Angeles Dodgers para pirmahan ang $432 million, 12-year contract na babasag sa record ng pinakamalaking deal sa kasaysayan ng North American sports.

Ayon sa source ng AP, posibleng ihayag ang contract ngayong linggo.

Kung sakali, ililista ni Trout ang baseball record sa career earnings­ na aabot sa $513 million. Buburahin nito ang $448 million ni Alex Rodriguez na nakuha habang naglalaro­ sa Seattle, Texas at New York Yankees mula 1994-2017.

“I’m pretty sure I ain’t paying one more dinner for him,” pakli ng teammate ni Trout sa Angels na si Albert Pujols, nasa kalagitnaan ng $240 million, 10-year deal.

Sasapawan din ng deal ni Trout ang $330 million, 12-year contract sa pagitan ni Bryce Harper at ng Philadelphia Phillies.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy