Una sa Balita

MLB: Sabathia, Garcia sigawan

0 184

NAGLUSUBAN sa field ang magka­bilang bench, pero walang umigkas na kamao pagkatapos ng sigawan nina New York Yankees pitcher CC Sabathia at Tampa Bay Rays hitter Avisail Garcia sa 8-3 win ng Yankees nitong Martes.

Na-strike out ni Sabathia si Garcia habang may dalawang runners sa sixth inning, humiyaw ang 38-anyos na left hander habang palayo sa mound.
Nagulat si Garcia, napatingala at itinaas ang mga kamay na parang naghahanap ng paliwanag.

Kasunod nito ay direkta na kay Garcia ang sigaw ni Sabathia, nagduruan at nagsigawan ang dalawa.

Takbuhan sa field ang benches at bullpens ng magkabila.

Tinakbo ni shortstop Didi Gregorius si Sabathia para pigilin bago inakay papuntang dugout. Nagkanya-kanyang balikan din sa kani-kanilang puwesto ang players.

Hindi raw si Garcia ang sinigawan ni Sabathia.

“Honestly, I think just a misunderstanding,” aniya. “I wasn’t talking to him. He looked up at me and said something, and it was on.”
Tapos na ang laro ay naguguluhan pa si Garcia.

“I didn’t say anything,” buwelta niya. “I don’t know what was happening. It was for no reason.”

Sa huling start niya noong 2018 regular season, ejected si Sabathia nang patamaan si Jesus Sucre ng Rays. Ngayong season, tatlong beses din niyang pinuntirya si Austin Meadows noong May. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy