Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MLB: Cardinals tinisod Mets, 6-5

0 22

LITERAL na lights out ang inilaro ng St. Louis bullpen Lunes ng gabi.

Prineserba ng relievers ang sinimulan ni Adam Wainwright para kumpletuhin ang 6-5 panalo kontra New York Mets.

Kumakapit ang Cardinals sa one-run lead sa ninth, may two outs at runner sa base nang mawalan ng ilaw sa Busch Stadium sa St. Louis.

“Thank God a pitch wasn’t in mid-flight or a ball wasn’t going in the air for a flyball or something like that to end the game,” ani Cards manager Mike Shildt.

Nang ituloy ang laro, binigyan ni reliever Alex Reyes ng walk si Pete Alonso bago ni-retire si Dominic Smith sa flyball para sa final out.

Pagkatpos ng laro, sinibak ng Mets si hitting coach Chili Davis at assistant niyang si Tom Slater. Inaalat ngayong season ang New York, hindi makaiskor kahit nasa scoring position ang players.

Naka-homer sina Nolan Arenado at Harrison Bader, apat na Cardinals relievers ang nagkamada ng pinagsamang 3 1/3 hitless innings para bak-apan si Wainwright. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.