Una sa Balita

MLB: Alyssa Nakken unang babaeng coach

0 260

SI Alyssa Nakken ang naging unang­ female coach sa kasaysayan ng baseball, ninombarahan nitong Huwebes bilang assistant ng San Francicso Giants sa ilalim ni manager Gabe Kapler.

Kinumpirma ng Major League Baseball na si Nakken ang unang woman coach sa majors.

Dating softball standout (first base) si Nakken para sa Sacramento State, naging intern for baseball ope­rations sa Giants noong 2014.

Kasabay niyang na-appoint bilang assistant din si Mark Hallberg.

May ilang female assistant coaches­ na ang NBA. Offensive assistant si Katie Sowers sa San Francisco 49ers sa National Football League. Lalaro sa NFC (National Football Conference) championship game ang 49ers sa Linggo.

Sa Sacramento State mula 2009-2012, naging three-time all-conference player at four-time Academic All American si Nakken. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More