Una sa Balita

MKP kinondena ang paggamit ng coop fund sa politika

0 425

KINONDENA ng Murang Kuryente Party-list (MKP) nitong Huwebes ang kontribusyon na ginagawa ng electric cooperatives sa isang party-list na tumatakbo ngayong 2019 elections.

Nabatid na nag-isyu ng Resolusyon 21, Serye ng 2019 ang Davao del Sur Electric Cooperative na nagkakaloob ng tatlong milyon piso sa party-list na Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. (PHILRECA), ang grupo rin na nagtangkang ipasa ang real property taxes bilang add-on charges sa buwanang bayarin ng mga consumer.

“The contributions made by these electric coope­ratives violate the election law, the Annual Revenue Requirement approved by the Energy Regulatory Commission, and the trust of the member-consumers of these cooperatives,” sabi ni Murang Kuryente Partylist nominee Gerry Arances.

Nabatid din na ginagamit diumano ng PHILRECA ang network at resources ng mga electric cooperativespara gumawa at magpamigay ng kanilang campaign materials bukod pa sa pisong buwis kada taon ng bawat miyembro ng mga kooperatiba na aabot sa P12.4 milyon kada taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy