Una sa Balita

MKP duda sa pangakong brownout-free election ng DOE

0 189

IPINAHAYAG ng Murang Kur­yente Party-list (MKP) ang kanilang pagdududa sa kakayahan ng Department of Energy (DOE) na masiguro na hindi mawawala ang suplay ng kuryente sa panahon ng senatorial at local elections sa Mayo 13.

Sa isang pulong balitaan kamakailan, ipinadama ng tatlong nominee ng MKP ang kanilang pagkadismaya sa lumilitaw na kahinaan ng DOE na mapagtibay ang generation companies (GenCos) at distribution utilities (DUs) na tuparin ang kanilang mandato na makapagpamahagi ng abot-kaya at maaasahang enerhiya sa mga konsyumer.

“In the whole of 2017, there were only three yellow alerts for the grid. 2018 had seven yellow alerts for the whole year. Yet in 2019, an election year, there were 10 yellow alerts and even red alerts and April has not even ended yet,” sabi ni Gerry Arances, MKP second nominee. “DOE said there will be no power interruptions during the summer months, yet some areas already experienced them just a few weeks after the promise was made. So what is different about the DOE now that I can trust their other promises?”

Ayon kay MKP first nominee Anton Paredes, nagdurusa na ang mga kostumer at maging ang ekonomiya.

“A one-hour blackout in Metro Manila already costs the economy roughly P2.7 billion. And this is just from the stoppage of econo­mic activity that requires electri­city and does not include second-order effects. Power companies have legal and contractual obligations to provide power at reasonable cost. They are not giving either of them. They don’t respect our laws, perhaps because government agencies are not enforcing these laws,” wika ni Paredes.

Ipinabatid naman ni MKP third nominee Glenn Ymata na sadyang nalulugi ang mga konsyumer lalo na nga’t hindi sila nakabayad sa tamang petsa.
Idinagdag pa ng nominee ang kanyang hinila hinggil sa nakaiskedyul na pag-shutdown at pagbugso ng puwersahang kakulangan ng suplay ng kuryente na dinadanas ngayong krisis ng bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy