Una sa Balita

MJ Veloso lusot ULIT SA BITAY

By
0 171

Hindi makakasama ang Pinay na si Mary Jane Veloso sa nakatakdang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga hinatulan sa bansang Indonesia.

Ito ang kinumpirma ni Indonesia Attorney General H.M. Prasetyo kung saan hinihintay pa rin nito ang isinasagawang pagdinig sa kaso laban sa mga illegal recruiters ni Veloso.

“We are still waiting on the legal process in the Philippines, which we have to respect,” ayon kay Prasetyo.

Sinabi nito na 16 na preso ang nakatakdang sumailalim sa firing squad ngayong taon kabilang ang mga dayuhan mula sa mga bansang Nigeria at Zimbabwe.

Ngunit tumanggi naman ang attorney general na tukuyin kung kailan isasagawa ang pagbitay sa mga nasabing preso.

Tanging si Veloso lamang ang nakaligtas sa parusa matapos na umapela ang Pilipinas dahil sa nahuli ang mga illegal recruiters nito na itinuturong nagpadala ng bagahe sa una na may lamang ilegal na droga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy