Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Miyembro ng MILF, 2 pa tiklo sa buy-bust

0 73

HALOS P300,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad makaraang madakip ang tatlong tulak ng ilegal na droga, kabilang dito ang isang miyembro umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Taguig City noong Linggo.

Natukoy na miyembro ng MILF ang suspek na si Sashed Upam, 52-anyos, dahil sa nakuhang MILF membership card sa kanyang pag-iingat.

Kasama niyang nadakip sa inilatag na buy-bust operation sa Jacinto St., Brgy. Upper Bicutan bandang ala-una ng madaling-araw noong Linggo sina Imbra Dunding alyas ‘Datu’, 38-anyos at Christian Anito, 21-anyos, estudyante.

Narekober sa kanila ang apat na sachet na naglalaman ng 41 gramo ng umano’y shabu na may street value na P278,800; P1,000 na buy-bust money; P29,000 na boodle money; isang cal. 38; isang cal. 45 at mga bala.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tatlo, habang dagdag na kasong pag­labag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code ang isasampa kina Upam at Dunding. (Damien Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.