Una sa Balita

Miyembro ng First family galit sa sinibak na DOTr official

By
0 816

Alam niyo bang galit na galit ang isang miyembro ng First family sa isang opisyal sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa aking bubwit, uminit ang ulo ni Presidential son-in-law Atty. Mans Carpio nang ipamalita ng opis­yal sa media na may blessing ng pamilya Duterte ang pagharap niya sa media noong Biyernes.

Sa nasabing press conference ay ipinamalita niya sa media na may opisyal sa DOTr na latak umano ng dilawan ang humaharang sa Mindanao Railway Project na isa sa mga flagship project ng administrasyong Duterte.

Ang Mindanao Railway Project ay ilang dekada nang plano mula noong 1955 pero sa administrasyong Duterte lang pinaglaa­nan ng pondo at seryosohang ipatutupad.

Ayon sa aking bubwit, sabi ni Atty. Carpio na mister ni Presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, sinungaling ang opisyal ng DOTr.

Related Posts

Nagalit si Atty. Carpio sa sinabi na ito na siya ang in-charge sa Mindanao Railway Project at ipinagkakalat na may blessing siya sa pamilya ng Presidente.

Nadiskubre rin ng Presidential son-in-law na nagmamalaki ang opisyal sa mga contractor at stakeholder sa Mindanao Railway Project na siya dapat ang kausapin dahil ‘ok’ na ito sa First family.

Binalaan ni Atty. Carpio ang opisyal na itigil ang paggamit sa pa­ngalan ng First family at pinag-iingat din niya ang publiko sa ganitong opisyal na anya’y liar at mahilig mag-name drop.

Idiniin ni Atty. Carpio, “do not ever use the First family in your shenanigans. May nalalaman ka pang press conference. Tigilan mo na ‘yan.”

Ang opisyal na tinutukoy ni Atty. Mans Carpio ay si DOTr Asst. Sec. Mark Tolentino.