Una sa Balita

Mitsubishi Corp bumigay sa Laguna Technopark

0 681

PINAPAKAWALAN na ng Mitsubishi Corporation ng Japan ang 20% nitong pag-aari sa Laguna Technopark Inc., isa sa mga naunang privately owned ecozones sa bansa.

Ang Laguna Technopark na sakop ng Sta. Rosa at Biñan ay itinayo ng Mitsubishi Corp. kasama ang Ayala Land Inc. noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Sinabi ng Ayala Land na binili na nito ang 20% na pag-aari ng Mitsubishi Corp. sa Laguna Technopark Inc. ng P800 milyon.

May matitira pang limang porsyentong stake and Mitsubishi sa Laguna Technopark.

Ayon sa Ayala Land, may 241 na mga kompanya ang nasa Laguna Technopark at kumikita ang mga ito ng $6.89 bilyon sa export taon-taon at mahigit 100,000 katao ang trabahador.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy