Una sa Balita

Mitra nakipagkasundo sa pagsigla ng boxing

By
0 80

NAAYUDAHANG malaki ang boksing sa Asya nang lumagda sa isang 5 taong tripartite agreement sina Games and Amusements Board chairman Abraham Mit­ra, International Boxin­g Federation-China presi­dent Ruihang Wang at Rejoy International Holdings (Beijing) Co. Ltd. Sr. VP. Andrew Lu.

Saad sa kasunduan ang pagbalangkas ng Rejoy Holdings ng mga friendly match, boxer training camp ng ‘Pinas at China, pagdaraos ng IBF Silk Road Champion­s Tournament, pagsasagawa ng IBF-C ng mga match, camp at championship at paghahanap ng GAB ng mga astig na boksingero, hurado, referee, coach at trainer para sa prog­rama.

“Everyone is focused on pushing Asian boxers, specifically from the Belt & Road countries (China …& the Philippines), towards global domination of the popular sport. The fights will be run under the Rules & Regulations Governing Professional Boxing sanctioned & agreed upon by the GAB and the IBF ,” bulalas kahapon ni Mitra. 

Dinagdag niyang may mga Chinese na paparito at may mga Pinoy na darayo sa Mainland China para mapalaban at maiangat ang abilidad ng mga boksingero ng magkabilang bansa dahil makapag-a-adjust din ang mga boxer sa bagong klima.

“Fans will love the regular friendlies & championships to be held in both countries. They will enjoy fights by international fighters right in their countries. We know how fans are though. A great number would surely travel to support their countrymen fighting abroad,” hirit ni Mitra

Pinangwakas niya na pungunahing adhikain nito na mapataas ang an­tas ng sport sa kontinente at maparami ang mga Pinoy at Tsinong kampeon sa mundo sa ilalim ng IBF.