Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mitchell dehins itatapon ng Jazz

0 123

WALANG plano ang Utah Jazz na ipamigay ang kanilang star player na si Donovan Mitchell, taliwas sa umuugong na balita hinggil sa palitan ng mga manlalaro sa National basketball Association (NBA).

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, binaterya na ng Jazz ang ideyang i-trade si Mitchell, sa halip gawin itong isang cornerstone player para sa koponan.

“They have shut down any team who’s called about trying to trade for Donovan Mitchell. The Jazz are committed to moving forward with him as their cornerstone player,” ayon kay Wojnarowski.

Isa umano itong teknik para sa Utah kung saan ito mismo ang kanilang sasabihin sa publiko upang makakuha ng leverage at pataasin ang presyo kung ipagpapalit nila si Mitchell.

Posibleng dahilan din ang isasagawang 2023 All-Star Game na gaganapin sa Salt Lake City, kung saan ayon sa mga source ng NBC Sports na nararamdaman nila na plano ng Utah na manatiling nasa kanilang poder ang 6-foot-1 na si Mitchell ngayong season.

Bukod dito ay nakikita din ng mga nasabing source ang planong rebuild ng CEO ng koponan na si Danny Ainge na kung saan ay kumuha pa nga ito ng rookie coach na si Will Hardy.

Ayon sa mga alingawngaw, nais makipag-usap ng Brooklyn Nets sa Jazz upang makuha si Mitchell kapalit ni Kevin Durant, na humingi ng trade. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.