Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mitchell, Clarkson binuhat ang Jazz

0 31

PASABOG ng career playoff-high 45 points si Donovan Mitchell – mas marami pa sa pinagsamang iskor nina Kawhi Leonard at Paul George – at kinubabawan ng Utah ang Los Angeles 112-109 sa opener ng kanilang Western Conference semis nitong Martes.

Karamihan sa puntos ni Mitchell ay dumating sa second half nang mag-rally ang Jazz mula 14-point down.

Kinapos ang 23 points ni Leonard at 20 ni George na may 11 rebounds pa sa Clippers.

Ibinaon nina Mitchell at super-sub Jordan Clarkson ang 12 sa 17 3-pointers ng Utah. Tumapos sina Clarkson at Bojan Bogdanovic ng tig-18 points.

Inagaw ng Utah ang lead fourth 103-93 sa ikinasang 21-9 run na inumpisahan at tinapos ng 3s ni Bogdanovic.

Idinikit ng tres ni George sa 112-109 sa final minute, pero binutata ni Rudy Gobert ang panabla sanang 3 ni Marcus Morris sa final second para ipreserba ang panalo.

Game 2 sa Huwebes (araw sa Manila) sa Salt Lake City pa rin.

Nakauna ang Jazz 10-2 pero sa sumunod na 8-plus minutes ay walang naipasok sa 20 sunod na tira, nabasag lang nang mahulog sa net ang corner 3 ni Clarkson.

Sa second period, 7 for 12 sa 3s ang Clippers at dumistansiya 51-37. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.