Una sa Balita

Mitchell bubuhayin ang Road Warriors

0 313

Mga laro ngayon: (MOA Arena)
4:30pm — TNT vs. NorthPort
7:0pm — Alaska vs. NLEX

MAY green light na si Tony Mitchell para muling maglaro sa PBA, magagamit na ng NLEX sa pakikisagupa sa Alaska sa second game mamaya sa MOA Arena.

Noong isang linggo pa nasa bansa si Mit-chell, pero hindi nag-uniporme nang huling sumabak ang Road Warriors noong Sabado kontra NorthPort.

Nakipagpukpukan ang Road Warriors kahit all-Filipino pero tumukod sa dulo 83-79 at nabalaho sa Commissioner’s Cup 0-2.

Susubukan ni Mit-chell na iahon ang NLEX laban sa 1-2 Aces na nadalawahang sunod na talo na matapos itawid ang unang asignatura sa midseason conference.

Huling sumemplang ang Alaska sa TNT 99-85 noon ding Sabado.

Nakaisang taon sa Detroit Pistons noong 2013 si Mitchell, kinuha ng Star Hotshots sa parehong torneo noong 2017.

Naihatid niya sa 6-2 record ang Hotshots bago pinalitan ni Ricardo Ratliffe.

Si Mitchell ang first choice ng NLEX pero hindi agad nakarating sa Manila kaya isinabak muna si Curtis Washington. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More