Una sa Balita

Misyon ng Warriors: LeBron James igapos

By
0 2,353

May mga pinoproblema rin ang Golden State Warriors papasok sa Game 2 ng NBA ­Finals sa Linggo (Lunes sa Manila) sa kanilang teritoryo sa Oracle ­Arena pa rin.

Sa kaagahan ng 124-114 overtime win ng Warriors sa opener, napilayan ang kaliwang paa ni Klay Thompson nang mag-slide sa ilalim niya si JR Smith. Pumunta ng locker room si Thompson para ipa-re-tape ang paa, bumalik din sa second quarter at umiskor ng 24.

Si defense specialist Andre Iguodala na pangunahing bantay ni LeBron James, kuwestiyonable pa rin. Nagpapagaling pa ang 2015 NBA Finals MVP sa bone bruise sa kaliwang tuhod dahilan ng pagliban niya sa huling limang laro sa playoffs.

Hindi pa sigurado si coach Steve Kerr kung 100 percent na itong magaling sa Linggo.

At siyempre, pinakamalaking problema ni Kerr kung paano pahihirapan si James na umiskor ng 51 sa 19 for 32 shooting sa opener. Hindi napigil si James sa pagsagasa sa basket.

“I didn’t think we were very good against him last night,” pag-amin ni Kerr. “I thought he was spectacular, but I didn’t think we made it that difficult for him.”

Challenge para sa Warriors kung paano siya lilimitahan.

“There is this ba­lance between accepting that he’s going to get his numbers, but making it difficult,” dagdag ni Kerr. “I ne­ver felt like we got him out of any sort of comfort zone last night.”