Una sa Balita

Misuari tinalagang special envoy sa OIC

0 366

HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte si Moro National Libe­ration Front (MILF) founding­ chairman Nur Misuari bilang Special Economic Envoy on ­Islamic Affairs sa Organization of Islamic Cooperation (OIC).

Ang paghirang ng Pangulo kay Misuari ay inianunsiyo sa pulong nila noong Biyernes ng gabi sa Davao City.

Naniniwala ang Pangulo na malaki ang magagawa ni Misuari para mapanatili ang relasyon ng Pilipinas sa mga lider ng Islamic Country.

“Brother Nur has occupied several positions in the past. Considered it as an honor for me to delegate you as special envoy of the government so that you can foster further lasting relationships with the leaders of the Islamic countries”, anang ­Pangulo.

Ang pulong ni Pangulong Duterte kay Misuari ay bahagi ng pagpapatuloy ng pag-uusap para sa inaasam na kapayapaan sa Mindanao, partikular sa balwarte nito sa Sulu.

Kasama ng Pangulo sa pulong ang ilang miyembro ng gabinete at si Senador Bong Go habang kasama naman ni Misuari ang mga miyembro ng Peace Coordinating Committee.

Inulit muli ni Pangulong Duterte ang hangarin na magkaroon ng ganap na kapayapaan­ ang Mindanao region bago matapos ang kanyang termino­ kasabay ang pagtiyak kay Misuari­ sa kanyang commitment na isusulong ang pag-unlad ng rehiyon. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy