Una sa Balita

Misuari isip-bata sa bantang giyera

By
0 434

NAKATIKIM ng maanghang na salita si Moro ­National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari mula sa isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa bantang giyera ng una kapag hindi naisakatuparan ang ­federalism.

“If he does not get what he want, he will go to war. Tingnan mo ‘yung pag-iisip na ‘yung parang isip-bata. If you don’t get what you want, magta-tantrums ka,” banat ni AFP spokesperson Colonel Noel Detoyato sa isang programa ng DZBB nitong Linggo, Marso 24.

Noong Miyerkoles, Marso 20, siniwalat ni ­Pangulong Rodrigo Duterte na nakausap niya si Misuari at nagbantang maglulunsad siya ng giyera kung ang paglipat sa federal system ay hindi magkakaroon ng katuparan.

Binanggit naman ng hepe ng AFP public affairs na kailangang linawin ni Misuari kung sino ang kanyang gigiyerahin kapag hindi nagkaroon ng katuparan ang paglipat sa federal form of government.

“Sino bang kaaway niya talaga, ‘yung Armed Forces, ‘yung taga-Basilan, ‘yung taga-Jolo? Dapat klaruhin niya ‘yun para maging relevant siya,” ­dagdag pa ng opisyal.

Sinabi pa ni Detoyato na kung tototohanin ni Misuari ang banta, hindi lang ang gobyerno ang makakalaban niya kundi pati na ang mga ­taong bumoto para magkaroon ng kapayapaan sa ­Mindanao.

Binanggit naman ng tagapagsalita ng MNLF na si Atty. Emmanuel Fontanilla na matagal na silang nag-aabang na makalipat sa federal system simula nang maikasa ang Tripoli Agreement noong 1976 at ang final peace agreement noong 1996.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy