Una sa Balita

Misteryosong virus sa China umabot na sa South Korea

0 312

INIULAT ng South Korea ang unang kaso sa kanilang bansa ng misteryosong virus na mula sa China.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ng SoKor sa Channel News Asia, ang pasyente ay isang 35-anyos na babaeng Chinese na mula Wuhan, China­ ay nagtungo sa Incheon international airport noong Linggo, Enero 19.
Inilagay siya sa isolated room nang dumating sa South Korea matapos makitaan ng sintomas ng mataas na lagnat.

Kumalat na rin sa iba pang lugar sa China ang bagong coronavirus na unang nadiskubre sa Wuhan.

Nai-report ito sa Beijing at Guangdong province.
Bukod sa SoKor, nauna nang nakumpirma ang tatlong kaso ng misteryosong virus sa Thailand at Japan.

Sa kasalukuyan, tatlo na ang nasawi dahil sa virus at 136 bagong kaso pa ang naitala.

Sa Twitter post ni Sixth Tone Head of News @davidpaulk, makikita ang pag-screen sa mga pasahero para sa coronavirus symptom sa isang domestic flight palabas ng Wuhan. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More