Una sa Balita

Misteryosang Babae sa concert ni Alden, hindi si Maine!

0 3

Muling naging emotional ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa naging solo concert niya sa Ynarez Gym noong Biyernes ng gabi. Sa kabila ng halos umabot na sa 5x platinum ang album niya, parang hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala ang Kapuso actor na isa na siya sa maituturing na pinakamalaking artista ng bansa.

Overwhelmed si Alden sa rami ng dumating sa kanyang solo concert at sa malayong lugar pa ng Antipolo.  Sobra itong natuwa sa ipinakita sa kanya ng mga fans na suporta.

“Hindi ko po in-expect na magiging ganito ka-successful. Hindi pa po ako nagkakaroon ng solo show before, paglabas ko po, doon ko po nakita lahat.”

Sabi nga namin kay Alden, handa na nga siya sa mas malaking concert at mas malaki pang ve­nue. Kung ganun daw siguro, kailangan lang niya ng mas marami pang time para mag-prepare.

Masasabi naming napuno ang Ynarez gym, given na ang seats sa tabi na halos ng stage ang hindi na talaga pinapa-occupy sa mga tao. As usual, nagkakagulo pa rin ang mga fans pagpasok pa lang ni Alden sa stage.

Sa isang banda, nakakatawa naman na lumabas sa social media na diumano’y dumating si Maine Mendoza sa naturang concert ni Alden, ‘yun nga lang daw ay hindi ito nagpakita at nanood lang malapit sa stage kaya tinawag nila itong silent supporter at mystery lady.

Pero mali ang kumakalat na ito sa social media dahil wala si Maine sa naturang concert. Ang alam din namin may shoot si Maine ng isa niyang endorsement that time kaya nga isang VTR message na lang nito ang ipinakita.

Aalis naman si Alden at nasa Canada para sa kanyang concert ngayong Holy Week at Easter Sunday na ang balik niya. (ROSE GARCIA)