Una sa Balita

Mister tulog: Misis ninakawan, todas sa palo sa ulo

0 391

BASAG ang bungo at hindi na humihinga nang ma-diskubre ng isang mister ang kanyang misis, makaraang pagnakawan at paslangin ng hindi pa nakikila-lang magnanakaw sa Valenzuela City, kamakalawa.

Bandang alas-tres nang madaling-araw, nakita ni Domingo Caco, 70-anyos, ang kanyang asawa na si Hilaria Caco, 66, lending consultant, na wala nang buhay sa loob ng kuwarto ng kanilang anak sa No. 58 Justicia St., Arty Subdivision, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ni Domingo, nauna siyang pumanhik sa kanilang kuwarto noong gabi bago nangyari ang krimen at iniwan ang asawa na nananahi sa sala.

Napabalikwas daw siya at tumayo para hanapin si Hilaria dahil wala ito sa kanyang tabi.

Dumeretso sa sala ang lalaki subalit wala doon ang ginang kaya nagpasya ang una na puntahan sa kuwarto ng anak sa itaas ang maybahay.

Nanlaki ang ulo ni Domingo nang makita ang misis na nakabulagta na walang malay at duguan.

Dadalhin pa sana nito sa pagamutan ang ginang, pero wala na itong buhay.

Dito na napag-alaman ng mister na ninakawan sila sapagkat nawawala ang kanilang flat TV, dalawang cellphone, cable modem at wallet na hindi pa mabatid ang laman.

Sa pagsusuri ni P/ Major Sandra Go ng Scene on the Crime Operatives (SOCO), pinalo sa ulo ng matigas na bagay si Hilaria kaya ito bi­nawian ng buhay.
Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Mark Bolanio, ang mag-asawa lamang ang tao sa bahay ng gabing iyon.

Posibleng kakilala ng biktima ang suspek dahil walang forcible entry na nangyari sa bahay.

Hawak na ng mga pulis ang kopya ng CCTV sa labas ng bahay ng mag-asawang Caco.

Umaasa si Mang Domingo na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng asawa. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy