MISTER NI SUNSHINE AT MISTER NI CLARISMA, NAGSUNTUKAN!

By

Nagpang-abot o kung anuman ang puwedeng itawag sa Mister ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan at ang Mister naman ng diumano’y babae nito at dahilan kung bakit nga raw nasira na ta­laga ang marriage ng dalawa.

Ang Mister ni Clarisma Sison na si Robert Sison. Nangpang-abot daw sa isang restaurant ang dalawa at nagkasakitan.

Magkaiba ng bersyon ang dalawang Mister. Parehong may sariling bersyon ng pangyayari ang dalawa at pareho rin na nagsasabing ang isa sa kanila ang naunang nanakit.

Hindi na namin tinanong pa si Sunshine sa pangyayaring ito.

Either puwedeng ang magiging damdamin ng dalawang anak nila ang iisipin muna nito or ano nga ba, kung ikaw ang Misis na nasaktan at ano nga ba ang dapat na maramdaman sa ganitong mga pangyayari pa even after a year?

Pero ang nakakaaliw, ang mga comments ng netizens. Parang ‘di yata sila sineryoso ang nangyari sa dalawang lalaki.

Aba,  ang naalala nila ay ang top-rating afternoon prime ni Sunshine na Ika-6 Na Utos.

Para raw sa serye lang ni Sunshine at eksena talaga rito ang nangyari. 

SHARE